By: Guest OFW
    Taong 2004 nung una ko narinig ang Dubai, maraming mga kakilala ko ang nagpupunta dito at pagbalik nila ng pinas marami silang dalang pera, kasunod panun lumabas ang pelikulang Dubai maganda at makikita mong marangya ang buhay ng mga karakter sa pelikulang ito. Parami ng parami ang nagpupunta ng Dubai gamit visit visa karamihan ng mga nagpupunta ay pinalad meron naman sigurong manaka nakang hindi naka pagtagal o hindi pinalad na umuwi sa Pilipinas.
    Taong 2006 sinubukan kong pumunta ng Dubai, Visit Visa din ang gamit sa airport palang pahirapan na marami ang hindi pinapalusot o hinihingan muna ng lagay para makaalis, bakit kailangan nilang pigilan ang isang taong kumpleto ang papeles na lumabas ng Pilipinas?
    Pag dating ng Dubai hindi tulad ng inaasahan ko paglabas ng airport para kang sinisilaban sa init, kinabukasan umpisa na ang paghahanap ng trabaho at hindi na naman kagaya ng aking inaasahan ang dami dami kong pinuntahang opisina, nagpadala ng applikasyon, sa fax sa email pero wala paring tawag na natatanggap na tawag at kung meron mang tawag at interview bibigyan ka ng mababang sahod. Sa dami na ng visit visa ng taon nayan marami narin ang kumpanyang nagsasamantala ng mga visa marami na ang Pilipinong ginagamit ang visa, napipilitang tumanggap ng mababang sahod at ang masaklap pa marami narin ang mga Pilipinong visit visa ang naloloko ng mga recruiter bagamat ganun ang nangyayari marami parin ang pilipinong nagbabakasakali na makahanap ng trabaho sa dubai.
    Kahit ganun ang nangyayari marami parin ang Pilipinong nakasurvive at nakahanap ng trabaho dito sa Dubai, merong maganda at meron ding tama lang ang kita para lang magtagal dito sa Dubai para hindi umuwi ng Pinas.
    Taong 2008 nag umpisa ang crisis sa buong mundo, nag umpisa rin ang kalbaryo ng maraming OFW dahil maraming OFW ang nawalan ng trabaho, dito sa Dubai naghigpit pa sila sa mga Turista, 1 month visa 1 month exit na lalong nagpahirap sa mga buhay ng visit visa dito nag umpisa ang mga istranded sa mga exit point tulad ng Kish Island, Oman o Qeshm. Marami na ang pinoy na nadeport kasi wala ng pambayad sa hotel, pangkain, o pera dahil hindi na sila kinuha ng mga employer na nangako sa kanila ng trabaho, dahil ang iba ay talagang wala naring pera na pangtustos dahil sa laki ng gastos. nagtuloy tuloy ang ganitong sitwasyon sa mga visit visa ng ngunit meron paring mga kababayan natin ang nagpupunta ng Dubai para maghanap ng trabaho kahit alam na nilang kaunti nalang ang tyansa nilang makahanap ng magandang trabaho dahil marami ang mga nagsarado o nagbawas ng tao na kumpanya dito sa dubai dahil sa pandaigdigang krisis at dahil sa igsi ng oras ng visit visa sa ngayon.
    Kung ikaw ay nagbabalak magpunta ng Dubai at Visit visa ang gamit mo, dapat handa ka. Try this check list para mas malaki ang chance mo makasurvive dito.
  • Dapat marami kang baon na kaalaman professional man o technical.
  • Dapat may kakilala kang masasandalan, matutuluyan, at hindi ka pababayaan.
  • Dapat sapat ang perang dala mo hanggang sa susunod na visit visa mo lalo na kung ang kakilala mo dito ay hindi mo kapatid o kamag anak at dahil dito lahat ay binibili.
  • Dapat matiyaga kang maghanap ng trabaho, kayang maglakad sa ilalim ng maiinit (TALAGANG MAINIT) na araw kung sa summer ka matatapat na pumunta.
  • Dapat hindi ka madaling masindak. Ito ay para sa Pinas  bago ka makalabas ng bansa at kung nasindak ka dapat meron kang nakahanda para sa kanila.
  • Dapat sanay kanang mag isa, bagamat marami ang Pilipino dito iba parin ang malayo sa pamilya mo.
  • Dapat maging matyaga sa trabaho at marunong makisama sa ibang tao..
Sa tingin ko kung meron nayan sa mga baon mo handa ka nang magvisit visa dito at kaya mo ng makasurvive
 


Comments




Leave a Reply