By: Guest OFW
    Nag umpisang mag abroad ang Mama ko ng ako ay 5 taong gulang pa lamang, balewala palang sakin nuon hindi ko pa alam na lalayo sya sa amin at hindi ko namin sya makakasama ng matagal, hindi ko alintana ang pagkawala nya masaya ako dahil marami ako natatanggap na laruan.
    Makalipas ang dalawang taon umuwi ang mama ko samin hindi ko na sya kilala kinukuha nya ako sumasama naman ako pero may kasamang alinlangan at hindi ako nagtatagal sa kanya, masaya na naman ako nung dumating sya kasi maraming pasalubong, chocolate, de lata, laruan, damit at sapatos, masaya ako dahil dun hindi dahil dumating ang mama ko.
    Habang nagtatagal ang mama ko sa bakasyon nya napapalapit na naman ang loob ko sa kanya pero hindi ko alam malapit na naman syang umalis dahil matatapos na ang dalawang buwan na bakasyon nya duon ko naramdaman ang pangungulila sa isang ina pag alis ng mama ko hindi ko alam nagising ako sa gabi na wala na sya sa tabi ko ako ay lumabas ng bahay hinahanap ang mama ko sa kalagitnahan ng gabi naglakad lakad ako para hanapin ang mama ko hanggang makarating ako sa bahay ng Auntie ko ang kinikilala kong nanay na syang nag aaruga sakin pagnasa trabaho ang papa ko.
    Paulit ulit ang ganung pangyayari uuwi sya pagkalipas ng 2 taon tapos aalis ulit sya pagkatapos ng 2 buwan pero hindi parin ako nasasanay nalulungkot parin ako sa pag alis nya, nangungulila sa kalinga ng isang ina, iniisip ko nuon na buti pa ang anak ng amo nya naaalagaan nya salamantalang kami hindi nya kami maalagaan, mahirap lumaki ng wala ang pagaaruga ng isang ina hindi ko alam ipaliwanag kung bakit pero napakahirap kaya bata palang ako pinangako ko na sa sarili ko na hinding hindi ako magtratrabaho Abroad pero eto ako ngayon nagtratrabaho sa ibang bansa pero hindi katulad ng sakin nuon kasama ko ang asawa ko abroad pero ang anak namin ay naiwan sa pilipinas gusto kong kunin ang anak namin pero hindi sapat ang kita namin para tustusan sya rito naiisip ko tuloy kung ano ang naramdaman ko nuon, natatakot narin ako na baka malayo ang loob ng anak namin samin.             Ngayon ko nauunawaan ang mama ko kung bakit kailangan nyang lumayo at pinili nyang iwanan nya kami, namas pinili nyang magsakripisyong mawalay samin, namas piniling alagaan ang anak ng iba at ngayon alam ko na kung bakit kahit maraming mga OFW ang hindi pinapalad at naaabuso marami parin ang nakikipagsapalaran at nagtitiis.
    Yun ay dahil sa pagmamahal natin sa ating pamilya na kahit na anong hirap at bigat ng sakripisyo natin kaya nating tiisin.
 


Comments




Leave a Reply