By: Guest OFW
    Nagpunta ako ng UAE taong 2005 para maghanap nang trabaho, lingid sa kaalaman ko hindi na pala ganun kadali maghanap ng trabaho sa mga oras na yun dahil sa dami na ng mga visit visa na naghahanap ng trabaho Pilipino at iba't ibang lahi marami namang part time job at mura palang ang visit visa at hindi pa sila mahigpit nuon kahit anong mga trabaho ang pinasok ko sobrang dami nagpalipat lipat ako ng trabaho dahil sa mga mapag samantalang employer.
    Unang pinasukan kong kumpanya bivisahan na sana ako ngunit hindi ako nagpatali sa kanila dahil bandang huli nagbago ang offer, ang haba ng oras ng trabaho at walang day off kaya ng mag exit ako hindi nako bumalik sa kanila at baka magsisi lang ako bandang huli kaya nagdecide ako na maghanap nalang ng ibang kumpanya, isang buwan akong puro part time pagkatapos nun nakahanap ako ng trabaho hindi parin naman ganun kalaki ang sahod pero sapat na para makapag ipon at dalawang araw ang day off 10hrs ang duty.
    Nang natapos ang isang buwan patapos na ang visa ko sabi ng kumpanya ko labas muna ako ng Dubai at papadalhan ako ng visa, lumabas ako ng Dubai lumipas ang isang linggo, dalawang linggo tatlong linggo wala paring visa pinapadala sakin ang kumpanya ubos na ang pera ko sa laki ng gastos sa exit point buti nalang meron akong kamag anak sa Dubai bumili sila ng visit visa para sakin para makabalik ng Dubai nakabalik nga ako at muling naghanap ng trabaho, habang walang kumpanya ang gustong kumuha sakin tuloy tuloy naman ang part time ko sapat na para matustusan na ang pangangailangan ko at makapag tabi nang kaunti kahit puro part time nakabili parin ako ng visit visa at madugtungan ulit ng dalawang buwan ang pananatili ko sa Dubai pagkabalik ko ng Dubai may nahanap akong trabaho sa Abu Dhabi isang kumpanya na kung saan mag uumpisa palang akala ko mapalad na kami ng mga kasama ko sa trabaho dahil mag uumpisa palang ang kumpanyang napasukan namin subalit pagkalipas ng dalawang buwan lumabas na naman ako ng Dubai pero nakabalik parin naman ako at sa parehong kumpanya parin naman ako pumapasok nakalipas ulit ang isang buwan hindi na kami mapakali at hindi na matapos tapos ang employment visa namin yun pala nagka problema ang kumpanya at hindi na matutuloy na magbukas nanlulumo kami ng mga kasamahan ko lalo't malapit na naman matapos ang visa namin at ang masaklap pa hindi na kami pinasahod sa isang buwan na pagtratrabaho namin sa kanila kaya hindi ko na alam ang gagawin ko sa mga panahon na yun pasalamat parin ako at meron akong mga kamag anak na mababait at tinulungan na naman nila akong makakuha ng visit visa.
    Nagpatuloy ang ganung sitwasyon mahigit nakong isang taon sa Dubai pero hindi parin ako nakakahanap ng magandang trabaho ang dami dami ko nang kumpanyang pinasukan pero tila yata wala akong swerte sa mga kumpanyang kumukuha sakin, punong puno na ang passport ko ng tatak sa ibat ibang exit point.
    Taong 2007 nang makahanap ako ng kumpanya na nagbigay sakin ng employment maliit ang sahod pero meron naman akong kumisyon, tiniis ko ang hirap sa trabaho kong ito dahil mapag samantala rin ang amo ko pero hindi ako nagpa apekto sa kanya dahil sapat narin ang kinikita ko nakapag umpisa ako makapag ipon dahil sa sipag at tyaga ko sa trabaho malaki ang kumisyon na nakukuha ko sa kumpanya kaya nakapag ipon ako nang kaunti nagtiis ako hanggang matapos ko ang tatlong taon na kontrata, inaasahan ko na may makukuha ako sa kumpanya subalit binigyan nila ako ng problema pinalabas nila na may nagawa akong kasalana sa kumpanya at pinapili nila ako na maghahabol ba ako sa Graduity ko o irereport nila sa pulis na nagnakaw ako sa kanila kaya sa takot ko na baka hindi ako makauwi nang Pinas tinanggap ko nalang ang alok nila, binigay ang huling sahod ko at tiket ko pauwi.
    Sa isang buwan na palugit sakin bago umuwi naghanap hanap ako nang trabaho at sa awa ng diyos pinalad naman ako, umuwi ako nang Pilipinas at duon pinadala ng bago kong kumpanya ang visit visa na sponsor nila at sinagot narin nila ang pamasahe ko pabalik, ngayon meron nakong magandang trabaho nakakaipon na para pagbalik sa pinas matapos narin ang pagtitiis na mawalay sa aking pamilya.
 


Comments




Leave a Reply